
Patakaran sa privacy - huling na-update nppng Hulyo 20, 2018
Welcome sa FUN-GI kung saan nauunawaan namin ang halaga ng iyong pribadong impormasyon. Maraming personal na impormasyon ang makikita sa paligid kahit na naglalaro ka lang ng mga laro, at nauunawaan naming napakaraming responsibilidad sa pangangasiwa ng impormasyong iyon kaya mayroon kaming patakarang nagpapaliwanag kung paano namin kinokolekta, sino-store, ginagamit, at pinamamahalaan ang impormasyong ibinibigay mo at impormasyong kinokolekta namin na nauugnay sa aming mga website, kabilang ang www.fun-gi.com, o anumang laro ng FUN-GI na ibinigay sa isa pang platform (tulad ng iOS App Store o Android Google Play Store). Bukod pa rito, mayroong bagong batas na tinatawag na General Data Protection Regulation (o 'GDPR') na nagkaroon ng bisa simula noong Mayo 25, 2018 na nagtatakda ng mga bagong obligasyon sa mga organisasyong nagpoproseso sa personal na data sa European Union (EU), at sinisimulan naming ibahagi kung ano ang ginagawa namin para mabantayan ang iyong privacy.
Nangongolekta kami ng hanay ng data mula sa mga manlalaro at ipinapadala namin ito sa mga third party upang maibigay ang pinakamagandang karanasan sa paglalaro hangga't sa maaari. Dito, nagbibigay kami ng mataas na antas ng balangkas ng mga uri ng mga kumpanyang pinapadalhan namin ng data at kung bakit namin ito ginagawa:
Sa ilalim ng anumang sitwasyon, hindi namin ipinagbibili ang iyong personal na impormasyon sa anumang external na kumpanya. Ginagawa ang lahat ng pangongolekta ng data upang mapaganda ang mga karanasan ng aming mga manlalaro at para mapahusay ang mga laro.
Kung mayroon kang anumang tanong na nauugnay sa iyong privacy ng data at FUN-GI, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa community@fun-gi.com.
Sa ilalim ng GDPR, kung ikaw ay nasa EU, mayroon kang karapatang hilingin ang mga detalye ng partikular na data na kinokolekta namin at kung paano namin ito ginagamit. Bilang isang mamamayan ng EU, mayroon ka ring karapatang hilinging burahin ang iyong data. Upang magawa ito, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng community@fun-gi.com.
Ang FUN-GI ay isang studio ng pag-develop ng laro na may mga tanggapan sa Los Angeles, CA, United States.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa FUN-GI, pakitingnan ang seksyong Kumpanya ng aming Website sa https://www.fun-gi.com/about.
Ang personal na impormasyong maaari naming kolektahin sa iyo sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ay pangkalahatang napapailalim sa mga sumusunod na kategorya:
Maaari naming ilahad ang iyong personal na impormasyon sa mga sumusunod na kategorya ng mga tatanggap::
Sa aming mga kumpanya ng grupo, ang mga third party na provider ng mga serbisyo at partner na nagbibigay ng serbisyong pagpoproseso ng data sa amin (halimbawa, para masuportahan ang paghahatid ng, magbigay ng functionality sa, o makatulong sa pagpapaigting ng seguridad ng aming Website), o na nagpoproseso sa personal na impormasyon para sa mga layuning inilalarawan sa Abiso sa Privacy na ito o inabiso sa iyo kapag kinolekta namin ang iyong personal na impormasyon. Isang buong listahan ng aming mga kasalukuyang partner sa EU ay:
Apple
Apple Ginagamit ang store upang maibigay sa iyo ang Mga Laro at upang magbigay ng mga in-app na pagbili; nagbibigay ang Game Center ng Mga Achievement sa Mga Laro.
https://www.apple.com/legal/privacy/en-wwAng Google ay isang store provider ng Google Play na nagbibigay-daan sa mga in-app na pagbili. Pinapayagan kami ng Mga Serbisyo ng Google Play na magbigay ng mga achievement at leaderboard.
https://policies.google.com/privacyGoogle Cloud
Ginagamit ang Google Cloud at G-suite upang mag-store ng impormasyon tungkol sa progreso at pagsusuri.
https://cloud.google.com/security/privacyHelpShift
Nagbibigay ang Helpshift ng customer service software upang matulungan kaming tumugon sa iyong mga kahilingan.
https://www.helpshift.com/legal/privacyAdColony
Ad network na naghahatid ng mga kontekstwal na ad.
https://www.adcolony.com/privacy-policyUnity Technologies
Platform na nagbibigay sa amin ng engine na ginagamit namin upang gawin ang Mga Laro; nagbibigay ito sa amin ng mga kagamitan sa pagsusuri.
https://unity3d.com/legal/privacy-policyNagbibigay ito sa amin ng mga pangalan ng mga kaibigang nilalaro rin ang aming mga laro at opsyonal ito.
https://www.facebook.com/full_data_use_policyFacebook Audience Network
Ad network na naghahatid ng mga kontekstwal na ad.
https://www.facebook.com/about/privacyAdjust
Ang Adjust ay isang platform ng attribution na nakakatulong sa aming matukoy kung saan natutuklasan ng aming mga manlalaro ang Mga Laro namin.
https://www.adjust.com/privacy-policyCrashlytics
Ang Crashlytics ay isang kagamitan para sa pag-uulat ng pag-crash na nakakatulong sa aming ma-diagnose kung saan nagaganap ang mga bug nang sa gayon ay maaari naming ayusin ang mga iyon.
https://try.crashlytics.com/termsGame Analytics
Kagamitan para sa business intelligence at visualization ng data na nakakatulong sa aming maunawaan ang kalusugan ng aming laro.
https://gameanalytics.com/privacyAng aming legal na batayan sa pangongolekta at paggamit ng personal na impormasyong inilalarawan sa itaas ay nakadepende sa nauugnay na personal na impormasyon at partikular na kontekso ng pangongolekta namin dito.
Gayunpaman, mangongolekta lang kami ng personal na impormasyon mula sa iyo gaya ng karaniwan kapag (i) kailangan namin ang personal na impormasyon upang makipagkontrata sa iyo, (ii) kapag ang pagpoproseso ay nasa aming mga lehitimong interes at hindi ito nao-override ng iyong mga karapatan, o (iii) kapag mayroong kaming pahintulot na isagawa ito.
Kung hihilingin ka naming magbigay ng personal na impormasyon upang makasunod sa isang legal na kinakailangan o upang makipagkontrata sa iyo, gagawin namin itong malinaw sa naaangkop na panahon at aabisuhan ka namin kung ang pagbibigay ng iyong personal na impormasyon ay mandatoryo o hindi (pati na rin ang posibleng mga kahihinatnan kung hindi mo ibibigay ang iyong personal na impormasyon).
Ipoproseso namin ang iyong impormasyon para sa pagpapatakbo ng aming Website, Mga Laro, at iba pang Serbisyo at sa pakikipag-ugnayan sa iyo kung kinakailangan para sa mga layuning iyon at sa aming mga lehitimong pangkomersyal na interes, halimbawa, kapag tumutugon sa iyong mga query, gumagawa ng mga aktibidad sa marketing, pinapahusay ang aming Mga Laro, Website, at iba pang Serbisyo, o para matukoy ang o makaiwas sa mga ilegal na aktibidad.
Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa o kailangan mo ng higit pang impormasyong nauugnay sa legal na batayan hinggil sa pangongolekta at paggamit namin ng iyong personal na impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng email community@fun-gi.com.
Gumagamit kami ng mga naaangkop na teknikal at pang-organisasyong sukatang idinisenyo upang maprotektahan ang personal na impormasyong tungkol sa iyo na kinokolekta at pinoproseso namin. Ang sukatan na ginagamit namin ay idinisenyo upang magbigay ng antas ng seguridad na naaangkop sa panganib ng pagpoproseso sa iyong personal na impormasyon. Ang mga partikular na sukatang ginagamit namin, halimbawa, ay ang pag-encrypt ng iyong personal na impormasyong lumilipat o hindi kumikilos, pangongolekta lang ng mahalagang data, pati na rin ang pagtiyak na internal at external na pinaghihigpitan ang pag-access sa data. Bukod pa rito, bagama't nagtatangka kaming tiyakin ang integridad at seguridad ng aming network at mga system, hindi namin magagarantiyang makakatulong ang aming mga sukatan ng seguridad na maiwasang magkaroon ang mga third-party na "hacker" ng access sa impormasyong ito sa ilegal na paraan. Hindi namin pinapatunayan o isinasaad na mapoprotektahan ang iyong impormasyon mula sa pagkakawala, maling paggamit, o pagbagong gawa ng mga third party. Walang paraan ng pagpapadala sa Internet, o paraan ng electronic na storage ang 100% secure. Samakatuwid, hindi namin magagarantiya ang ganap na seguridad.
Ang iyong personal na impormasyon ay maaaring ilipat at iproseso sa iba pang bansa bukod pa sa bansa kung saan isa kang residente. Ang mga bansang ito ay maaaring may mga batas sa proteksyon ng data na iba sa mga batas ng iyong bansa.
Partikular na matatagpuan sa United States ang aming mga server, at nagpapatakbo sa buong mundo ang aming mga kumpanya ng grupo. third party na provider ng serbisyo, at partner. Nangangahulugan itong kapag kinokolekta namin ang iyong personal na impormasyon, maaari namin itong iproseso saanman sa mga bansang ito.
Gayunpaman, gumawa kami ng mga naaangkop na pag-iingat na hinihiling na panatilihing napoprotektahan ang iyong personal na impormasyon alinsunod sa Abiso sa Privacy na ito. Ang lahat ng third party na matatagpuan sa labas ng EEA ay sertipikado sa ilalim ng "Privacy Shield" (framework para sa EU-USA na paglilipat ng data) o gumagamit ng European Commission's Standard Contractual Clauses para sa mga paglilipat ng personal na impormasyon sa pagitan ng aming mga kumpanya ng grupo, na nag-aatas sa lahat ng kumpanya ng grupo na protektahan ang personal na impormasyong pinoproseso nila mula sa EEA alinsunod sa batas sa proteksyon ng data ng European Union .
Pinapanatili namin ang personal na impormasyong kinokolekta namin mula sa iyo kapag mayroon kaming kasalukuyang lehitimong trabahong kailangang gawin (halimbawa, upang magbigay sa iyo ng serbisyong hiniling mo o upang makasunod sa mga naaangkop na kinakailangan sa legal, buwis, o accounting).
Kapag wala kaming kasalukuyang trabahong kakailanganing iproseso ang iyong personal na impormasyon, ide-delete namin ito o gagawin namin itong anonymous o kung hindi ito posible, (halimbawa, dahil na-store sa mga backup na archive ang iyong personal na impormasyon), secure naming iso-store ang iyong personal na impormasyon at ilalayo namin ito sa anumang higit pang pagpoproseso hangga't sa posible na itong ma-delete.
Ikaw ay may mga sumusunod na karapatan sa proteksyon ng data:
Tumutugon kami sa lahat ng kahilingang natatanggap namin mula sa mga indibidwal na gustong gamitin ang kanilang mga karapatan sa proteksyon ng data alinsunod sa mga naaankop na batas sa proteksyon ng data.
Hindi kami kusang nangongolekta o nangangalap ng personal na impormasyon mula sa sinumang taong wala pang 13 taong gulang o hindi rin namin kusang pinapayagan ang mga naturang tao na gamitin ang aming mga laro. Kung wala ka pang 13 taong gulang, mangyaring huwag magpapadala sa amin ng anumang impormasyon tungkol sa iyo, kabilang ang iyong pangalan, address, numero ng telepono, o email address. Walang sinumang tao na wala pang 13 taong gulang ang maaaring magbigay ng anumang personal na impormasyon. Kapag mapag-alaman naming nangolekta kami ng personal na impormasyon mula sa isang bata na wala pang 13 taong gulang, ide-delete namin ang impormasyong iyon sa lalong madaling panahon.
Sa ilalim ng GDPR, kung ikaw ay nasa EU at wala ka pang 16 na taong gulang, upang magamit mo ang aming mga laro, dapat ay pahintulutan ka ng isang taong mayroong pananagutan sa iyo bilang magulang. Sa mga naturang sitwasyon, makatuwiran kaming magsisikap upang ma-verify ang pagpapahintulot ng taong may responsibilidad sa iyo bilang magulang.
Maaari naming pana-panahong i-update ang patakaran sa privacy na ito bilang tugon sa pagbabago sa mga pagsulong sa legal, teknikal, o negosyo. Kapag na-update namin ang patakaran sa privacy, gagawa kami ng mga naaangkop na hakbang upang ma-update ka nang naaayon sa kahalagahan ng mga pagbabagong gagawin namin. Kukunin namin ang pahintulot mo sa anumang pagbabago sa patakaran sa privacy ng materyal kung at kapag iniaatas ito ng mga naaangkop na batas sa proteksyon ng data.
Makikita mo kung kailan huling na-update ang patakaran sa privacy na ito sa pamamagitan ng pagtingin sa petsa ng "huling na-update" na ipinapakita sa itaas ng patakaran sa privacy na ito.
Kung mayroon kang anumang tanong o alalahanin tungkol sa aming paggamit sa iyong personal na impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa amin gamit ang sumusunod na email address: community@fun-gi.com
Kung gusto mong gamitin ang iyong mga karapatang nauugnay sa personal na data na nakolekta namin, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa Laro sa pamamagitan ng pagpunta sa Mga Opsyon -> Tulong -> Makipag-ugnayan sa Amin, o kung hindi mo kami makaugnayan sa Laro, makipag-ugnayan sa amin gamit ang sumusunod na email address: community@fun-gi.com. Ang pakikipag-ugnayan sa amin sa laro ay ang mas gustong paraan ng pakikipag-ugnayan dahil nagbibigay-daan ito sa amin na mas tumpak na ma-validate ang iyong kahilingan.